Nagpo-protestang mga doktor, nadagdagan pa
MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang sumama kahapon sa mga doktor ng Philippine General Hospital sa isinasagawang muli nilang kilos-protesta sa main entrance ng pagamutan para sa hinihinging katarungan sa pagsibak sa dating director ng ospital nang walang due process.
Nais nila na ibalik sa pagiging director si Dr. Jose Gonzales, kaya isang vigil ang kanilang isinagawa sa harapan ng pagamutan, ani Dr. Jonas Del Rosario, pinuno ng Laban-UP PGH. Bukod aniya, sa 60 consultants na sumali sa kanilang protesta noong nakalipas na linggo, nadagdagan pa ang nakikiisa sa mass leave na aabot na sa 100. Hindi umano sila pasisindak sa banta na memorandum na inisyu ng Civil Service Commission (CSC).
Ayon naman kay Dr. Iggy Agbayani, may 50 doktor ang maghahain ng official LOA ngayon (Martes) .
Base naman sa pahayag ni PGH deputy director for nursing na si Ma. Rita Tamse, walang isa mang nurse na sumama sa kilos protesta ng mga doktor dahil sa kabuuang 1,100 nurses ng PGH, apat ang naka-sick leave at wala sa mga ito ang sumama. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending