^

Metro

Totoy nag-night swimming sa Manila Bay, nalunod

-

MANILA, Philippines - Muli na namang kumuha ng buhay ang Manila Bay sa pagtatapos ng Semana Santa makaraang isang 11 anyos na batang lalaki ang malunod nang maligo sa dagat kaha­pon ng umaga sa Pasay City.

Dakong alas-6:30 ng umaga kahapon lamang lumu­ tang ang bangkay ng biktimang si Igeel Ongkiko ng no. 2484 Apelo Cruz Street, Barangay 152 Zone 76, Pasay City sa breakwater ng Manila Bay malapit sa likuran ng Senate compound.

Natuklasan lamang ang lumulutang na bangkay ni Ongkiko nang hindi sinasad­yang tamaan ng sagwan ni Ronaldo Desiar ang katawan nito habang namamangka patungo sa direksiyon ng MMDA floodway.

Ayon sa nakatatandang kapatid ng biktima na si Henry Ongkiko, 15, kina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay city police, kama­kalawa pa ng gabi umalis ng kanilang bahay si Igeel kasama ang kanyang mga kabarkada.

May hinala ang pulisya na nag-night swimming ang biktima at mga kasamahan nito sa breakwater ng Manila Bay kung saan nalunod ito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

APELO CRUZ STREET

CRIS GABUTIN

HENRY ONGKIKO

IGEEL ONGKIKO

LUDY BERMUDO

MANILA BAY

NESTOR RUBEL

PASAY CITY

RONALDO DESIAR

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with