Inhinyero nalasog
MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang electrical engineer ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company matapos itong mahulog mula sa bagong gusali ng nabanggit na kumpanya sa Pasay City noong Huwebes Santo ng hapon.
Idineklarang patay sa San Juan de Dios Hospital si Eduardo Ordona, supervisor ng nabanggit na kompanya.
Sa inisyal na ulat na natanggap ni P/Senior Supt. Rabe D. Petrasanta, hepe ng Pasay PNP, nakarinig ng sigaw ang tatlong security guard na sina Arnold Serato, Reynold Depositar at Francisco Taguba, mula sa likuran ng bagong gusali ng PLDT sa kahabaan ng Harrison Street.
Nang usisain ng tatlo ay bumulaga ang duguang katawan ni Ordona kung saan masusing sinisiyasat ng pulisya ang insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending



















