^

Metro

P92-milyong pekeng Louis Vuitton nasamsam ng NBI

-

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investi­gation (NBI) ang mga tindahan at bodega  ng isang shopping mall sa Quiapo, Maynila kung saan nasamsam ang tinatayang P92-milyong halaga ng pekeng Louis Vuitton products. Kabilang ang siyam na stalls na S-65, S-34, S-15A, S-15B, S-14, S-5, S-7, S-8 at S-11 sa sinalakay na nasa ika-2 pa­lapag ng Manila City Plaza Shopping Mall, Quiapo, Maynila at inakyat din ang ika-4 na palapag kung saan narekober pa sa stockrooms F-3 at  F14 ang mga nakaimbak na pekeng produkto. Ayon kay Atty. Joel Tovera, executive officer ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD), aksiyon ito sa pagdulog ng isang Mayank Vaid, director brand enforcement, Asia Pacific, Louis Vuitton Malletier. Sa ulat ni Special Investigator III Glenn M. Lacaran, umabot sa 10,673 piraso ng assorted Louis Vuitton na kinabi­bilangan ng bags, hand bags, pouches, leather case, shoulder bags at iba pang accessories na nagkakahalaga ng $2,012,975 US o katumbas na P92,596,580 ang nakumpiska. (Ludy Bermudo)

ASIA PACIFIC

GLENN M

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS DIVISION

JOEL TOVERA

LOUIS VUITTON

LOUIS VUITTON MALLETIER

LUDY BERMUDO

MANILA CITY PLAZA SHOPPING MALL

MAYANK VAID

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with