^

Metro

Tumitirik na tren ng LRT, MRT kukumpunihin

-

MANILA, Philippines - Pagkakataon na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit Authority (MRTA) na makumpuni ang dumarami nilang train units na tumitirik sa biyahe ngayong Semana Santa.

Pinaalala kapwa ng LRTA at MRTA na tigil ang kanilang operasyon sa loob ng apat na araw mula ngayon (Huwebes Santo) hanggang Linggo (Pas­ko ng Pagkabuhay). Muling magbabalik sa operas­yon ang dalawang train units sa Abril 5 (Lunes).

Nabatid na matagal nang pinuputakti ng reklamo buhat sa mga pasahero ang LRTA dahil sa halos araw-araw na pagtirik ng kanilang mga train na dahilan ng pagkahuli sa tra­baho, appointments, at klase ng mga pasahero.

Bumabagtas ang LRT Line 1 mula Baclaran, Parañaque City hanggang Balintawak, Quezon City; Line 2 mula San­tolan, Pasig City hang­gang Recto Avenue sa May­nila. Binabagtas naman ng MRT ang kahabaan ng EDSA mula Taft Avenue sa Pasay City hang­gang North Avenue sa Quezon City.

Suspendido rin naman ang operasyon ng Philippine Na­tional Railways (PNR) mula Tutuban hanggang Biñan, Laguna hanggang Sabado de Gloria (Abril 3).

Nabatid na dagdag pa sa reklamo ng mga pasahero ang kahinaan ng aircondi­tion­ing system, kawalan ng mga pa­likuran, escalator at ele­vator para sa mga may kapan­sanan sa mga istasyon ng LRT sa kabila na nakaka­tang­gap ito ng pondo buhat sa gob­yerno dahil sa pagiging sub­sidized nito. (Danilo Garcia)

ABRIL

DANILO GARCIA

HUWEBES SANTO

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT AUTHORITY

NABATID

NORTH AVENUE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with