^

Metro

Utang ng Makati sa BIR handang bayaran - Mercado

-

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi kahapon kahapon sinabi ni Makati Vice Mayor at mayoral candidate Ernesto Mercado na naka­handa ang lokal na pama­halaan na bayaran ang bilyong utang sa Bureau of Internal Revenue.

Layunin nito, ani Mercado na hindi madiskaril ang pagbi­bigay ng serbisyo sa publiko pero  mahahain sila ng protesta hinggil dito.

 “The simplest temporary solution is to pay the BIR under protest so that Makati will not compromise its legal remedies,” diin ni Mercado matapos na mag­babala ang BIR na kukum­piskahin nila ang mga ari-arian ng  Makati’s city hall bilang bayad sa hindi nabayarang buwis.

“Ang problema kasi, inuna pa ang pag-asikaso sa mga infomercial kaysa mga pagka­kautang ,” partikular na tinukoy ni Mercado ang “Ganito Kami Sa Makati” television at  radio commercials na ipinalalabas sa prime time.

Dismayado rin si Mercado sa kabiguan ng mga opisyal ng lungsod na makipagkasundo sa BIR kung paano babayaran ang utang sa buwis, na ayon kay  BIR Chief Joel Tan -Torres, “urong-sulong kasi ang posis­yon ng  Makati officials.”

“Matagal nang ganyan ang pagpapatakbo sa Makati, may perang pambayad sa info­mer­cial pero walang perang pam­bayad ng utang ” ani Mercado.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JOEL TAN

DISMAYADO

ERNESTO MERCADO

GANITO KAMI SA MAKATI

MAKATI

MAKATI VICE MAYOR

MERCADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with