Colorum vehicles, bilang na ang araw
MANILA, Philippines - Malapit nang matapos ang maliligayang araw ng mga kolorum at out of line na mga sasakyan na bumibiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa matapos magsanib puwersa ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang LTO-LTFRB connectivity.
Sa ginawang konsultasyon ng 1 United Transport Koa lisyon (1 UTAK), Pasang Masda, Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), Land Transportation Organization of the Philippines, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Mega Manila Operators and Drivers Association (MMODA) kay LTO chief Arturo Lomibao at LTFRB chairman Alberto Suansing, inaasahang mas magiging mabilis ang pagpo- proseso ng mga papeles ng mga operators at drivers at maiiwasan ang talamak na bentahan ng pekeng prangkisa.
Pinuri naman ng transport groups ang plano ng LTO at LTFRB na mas gawing moderno ang teknolohiya sa kanilang ahensiya at agaran nilang hiningi kay Department of Transportation and Communications secretary Anneli Lontoc ang ayuda nito upang matapos na ang kanilang suliranin sa mga out of line at colorum vehicles.
Ayon kay ACTO president Efren de Luna, malaking tulong sa kanila ang LTO-LTFRB connectivity na kung saan ay malaki na ang maiuuwing pera ng mga operators at tuluyan na ding mawa wakasan ang kotongan sa lansangan.
- Latest
- Trending