Abu Sayyaf kidnapper timbog
MANILA, Philippines - Matapos ang ilang taong pagtatago sa batas, nasakote ng mga intelligence operatives ng Philippine Air Force (PAF) ang isang notoryus na kidnappers ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Quezon City , ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni PAF Spokesman Lt. Col. Gerry Zamudio Jr., ang nasakoteng Abu Sayyaf na si Toto Sali. Ayon kay Zamudio si Sali ay nasakote ng intelligence operatives ng PAF sa operasyon sa natukoy na pinagtataguan nito sa Brgy. Culiat, Quezon City bandang alas -5 ng hapon.
Sa tala, si Sali ay kasangkot sa mga bandidong Abu Sayyaf na dumukot sa nasa 10 manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Brgy. Tairan, Lantawan, Basilan noong Hunyo 2001. Hindi na nakapalag si Sali matapos na mahuli ng mga operatiba ng PAF na pumalibot sa lugar na pinagtataguan nito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending