^

Metro

7 lungsod sa Metro Manila, idineklarang hotspots

-

MANILA, Philippines - Pitong lungsod sa Metro Manila ang idineklarang “election hotspot” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na ina­asahang magiging magulo sa darating na halalan sa Mayo.

Tinukoy ni NCRPO chief, Director Roberto Rosales ang mga lungsod ng Maynila, Quezon, Makati, Pasay, Taguig, Muntinlupa at Para­ñaque.

Dahil dito inirekomenda naman ng NCRPO sa Com­mission on Elections na ma­pa­sailalim sa kontrol ng pulisya ang naturang mga lung­sod upang matiyak ang seguridad at walang mangya­yaring dayaan.

Ibinase ang pagtataya ng NCRPO sa init ng kompi­tensya ng mga naglalabang politiko, mga naganap na ka­rahasan kaugnay ng halalan at pagbabangayan maging ng mga tagasuporta.

Matatandaan na una nang hiniling ni Makati Mayor Jejo­mar Binay sa Comelec na isa­ilalim sila sa kanilang kontrol dahil sa nagaganap na sa­kitan sa pagitan ng ka­labang kandidato ng kanyang anak na si Junjun Binay na tuma­takbong alkalde. Ma­higpit na karibal nito sina in­cumbent Vice-Mayor Ernesto Mercado at Erwin Genuino.

Matindi naman ang ba­ngayan sa pagitan nina Vice-Mayor Herbert Bautista at dating Pre­sidential Chief of Staff Mike Defensor na nagla­laban sa pagka-alkalde ng Quezon City; ma­tindi rin ang siraan kina Parañaque in­cumbent Mayor Florencio Bernabe at Rep. Eduardo Zialcita.

Umiiral naman ang pani­nira gamit ang isyu ng iligal na droga kontra kay dating Justice Dante Tinga ng Taguig habang nagbabalik ang bangayan nina Manila Mayor Alfredo Lim at Lito Atienza. (Danilo Garcia)

CHIEF OF STAFF MIKE DEFENSOR

DANILO GARCIA

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

EDUARDO ZIALCITA

ERWIN GENUINO

JUNJUN BINAY

JUSTICE DANTE TINGA

LITO ATIENZA

MAKATI MAYOR JEJO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with