^

Metro

Ivler maaari nang lumabas ng ospital

-

MANILA, Philippines - Maaari nang makalabas ng pagamutan ang road rage suspect na si Jason Ivler.

Sa ginanap na hearing kahapon sa sala ni   QC Regional Trial Court (QCRTC) Presiding Judge Alexander Balut, sinabi ni Dr. Romeo R. Abary, ang doctor na tumi­tingin sa kanya sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) gumagaling  na at bumababaw na ang mga sugat ni Ivler kung kayat hindi na kailangan pang manatili  ito sa  ospital. Si Ivler ay itinuro sa pagpaslang sa anak ni Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle, Sr.

Aniya, ang sugat ni Ivler  ay halos kasing laki na lamang ng 25 sentimos na barya at halos kapantay na ng balat ng akusado kaya ba­gamat maari pa itong ma­impeksyon, hindi na ito magi­ging banta sa kanyang buhay.

Hindi naman masasabi ni Abary na maaaring mailipat sa kulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ivler sapagkat hindi pa niya nabi­bisita ang naturang pasilidad.

Ang korte na umano ang bahalang magdesisyon para rito. (Angie dela Cruz)

ABARY

DR. ROMEO R

IVLER

JASON IVLER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF UNDERSECRETARY RENATO EBARLE

PRESIDING JUDGE ALEXANDER BALUT

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with