^

Metro

Sekyu todas sa riding in tandem

-

MANILA, Philippines - Tila sinusubukan ang kakayahan ng Quezon City Police ng grupong riding in tandem gang, matapos na namang umatake ito sa isang sangay ng gobyerno at pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang guwardiya at malubhang ikinasugat ng dalawa pang kasamahan nito kama­kalawa sa lungsod.

Si Rizal Dolfo, 27, bi­nata ng Rosal St., Zone 6, Brgy. Old Capitol Site ay na­sawi sa pananalakay ng nasabing grupo sa lung­sod. Sugatan din ang dala­wang kasama­han nitong sina Bejino Santos, 34, at Reynaldo Tu­mangue.

Ayon sa mga naka­saksi, pawang mga naka­suot ng helmet at naka-bonnet ang mga suspect na mabilis na nagsi­takas matapos ang insidente.

Naganap ang insidente sa may tang­gapan ng Bureau of Animals Industry na matatagpuan sa Visa­yas Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod.

Nasorpresa umano ang mga biktima sa pag­sa­lakay ng mga suspect na basta na lamang pinag­babaril ng grupo ng huli. Patuloy ang isinasa­ga­wang imbes­ti­gasyon ng pulisya sa insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BEJINO SANTOS

BRGY

BUREAU OF ANIMALS INDUSTRY

OLD BALARA

OLD CAPITOL SITE

QUEZON CITY POLICE

REYNALDO TU

RICKY TULIPAT

ROSAL ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with