^

Metro

Mass leave ng mga doktor sa PGH, ikinasa

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa halip na ang re­gular na flag-raising cere­mony ang marinig, noise barrage ang isinagawa ng mahigit sa 50 doktor ng Philip­pine General Hospital (PGH) na sinabayan pa ng bantang mass leave bilang pagkon­dena sa pagpapatalsik sa ka­nilang hospital director.

Kabilang sa nag­par­ti­­sipa sa noise barrage pro­test ay ang may 73 mi­yem­bro ng medical per­sonnel at mga estud­yante sa gate ng PGH dakong alas-7:30 ng umaga bilang pag­pabor na maibalik sa pwesto si Dr. Jose Gonzales.

Ang mga nagpo-pro­testa na huma­harang sa mga pas­yenteng papa­sok sa ospital at ang ilan ay nakapalibot sa Obla­tion statue ay nagpa­hayag na pagbalewala umano sa democratic processes sa biglaang pagpapalit ng direktor ng pagamutan na ka­nilang ikinadismaya kaya da­lawang linggo umanong hindi sila mag­si­si­pasok.

Gayunman, nilinaw ng tagapagsalita ng gru­po na si Dr. Iggy Agba­yani na hindi nila iaaban­dona ang tung­kulin sa mga pasyen­teng manga­ngailangan ng emer­gency at­tention.

Anila, pinalitan si Dr. Gonzales noong Pebrero 25, 2010 ni Dr. Enrique Domingo sa kautusang inilabas ng UP Board of Regents na kinontra naman ng resolusyong ipi­nalabas ng College Council ng UP College of Medicine na kumikilala sa legalidad ng pagiging direktor ng pinatalsik na si Gonzales hang­gang Disyembre 2012.

ANILA

BOARD OF REGENTS

COLLEGE COUNCIL

DISYEMBRE

DR. ENRIQUE DOMINGO

DR. GONZALES

DR. IGGY AGBA

DR. JOSE GONZALES

GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with