Pagbabalik ni Ang sa konseho, suportado ng Manilenyo
MANILA, Philippines - Ipinakita ng mga taga district 3 ng lungsod ng Maynila ang kanilang suporta para sa pagbabalik ni 5-termer Manila councilor Bernardito Ang sa konseho matapos isagawa ang proklamasyon ng Asenso Manileño, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ayon sa mga taga-distrito 3, kailangan na maibalik sa konseho si Ang upang mas marami pang batas ang maipatupad at maipasa na para lamang sa kapakanan ng maliliit na tagalungsod.
Giit pa ng mga tagasuporta ni Ang na hindi matatawaran ang mga nagawa nito sa konseho kaya’t nararapat lamang na maibalik ito upang mas madaling maisakatuparan ang mga programa na para sa kabutihan ng mga Manilenyo. (Doris Franche)
- Latest
- Trending