^

Metro

Buong pamilya bibigyan ng trabaho sa Caloocan

-

MANILA, Philippines - Plano ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echi­ verri na mabigyan ng tra­baho ang lahat ng mi­yembro ng pamilya sa bu­ong lung­sod upang lalo pang ma­paunlad ang pa­mu­muhay ng bawat resi­dente.

Bukod sa mga gina­ganap na job fair sa lung­sod na nagiging daan upang mabigyan ng sapat na hanapbuhay ang mga residente ay nais din ni Echiverri na makuha ang listahan ng bawat miyem­bro ng pamilya sa kanyang nasasakupan nang sa gayon ay malaman ng lokal na pamahalaan kung sino sa mga ito ang higit na na­ngangailangan ng trabaho.

Ayon kay Echiverri, sa ganitong paraan ay hindi na mahihirapan ang lokal na pamahalaan na hana­pan ng mapagkakakitaan ang mga residente dahil madali na nilang matutu­koy kung ano ang dapat na ibigay na ha­napbuhay sa mga nanga­nga­ilangan ng mapagkakakitaan.

Sa pamamagitan din nito, malalaman agad ng lokal na pamahalaan kung ano ang tinapos ng bawat miyembro ng pamilya na siyang magiging daan din para mabilis na mahana­pan ng trabaho ang mga ito.

Dahil dito, inatasan na ni Echiverri ang city planning department na agad na makipag-ugnayan sa National Statistics Office (NSO) at iba pang ahen­siya nang sa gayon ay madaling makuha ang listahan ng mga miyem­bro ng pamilya na nani­nirahan sa Caloo­can. (Lordeth Bonilla)

AYON

BUKOD

CALOO

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DAHIL

ECHIVERRI

LORDETH BONILLA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with