^

Metro

Lim, et al nahaharap sa panibagong kaso

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang sampa­han ng panibagong kaso ng katiwalian ang mata­taas na opisyal ng Manila City hall ngayong araw sa Office of the Ombudsman.

Ito na ang pangala­wang kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act na isinampa ni Atty.Reynaldo Bagatsing laban kina Manila Mayor Alfredo Lim at mga opisyal nito kaugnay sa umano’y moro-moro or rigged public bidding sa nakatakdang repair at upgrading works ng 13 elementary at 2 high school sa lungsod na nag­kakahalaga ng P23,550,000.    

Si Bagatsing ay pa­ngulo ng Philippine Anti-Graft Crusaders, Inc. (PAGCI) kung saan bukod kay Lim kinasuhan din nito sina Secretary to the Mayor Rafaelito Garay­blas, chairman ng bid and awards committee; City Legal Officer Renato de la Cruz, OIC-Treasurer Vicky R. Sanchez at ibang pang BAC members.

Lumiham din si Bagat­sing kay Commission on Audit Chairman Rey Villar na agad maglabas ng ka­utu­san na ihinto ang pag­bayad sa mga nana­long contractor at ipawa­lang bisa ang mga kontrata na naipagkaloob sa mga ito.

Nauna ng kinasuhan ni Bagatsing si Lim dahil sa ben­ta­han ng Century Park Hotel at ng 4.5 hektar­yang lupain na kinakati­rikan nito sa halagang P1 bilyon lamang samanta­lang ang tunay na market price o halaga nito ay hindi ba­baba sa P4 bilyon. (Gemma Amargo-Garcia)

AUDIT CHAIRMAN REY VILLAR

CENTURY PARK HOTEL

CITY LEGAL OFFICER RENATO

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA CITY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR RAFAELITO GARAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE ANTI-GRAFT CRUSADERS

REYNALDO BAGATSING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with