^

Metro

Lola inireklamo ng kotong

-

MANILA, Philippines - Isang 59-anyos na lola ang dinakip ng pulisya sa isang entrapment operation matapos itong ireklamo ng apat na tsuper dahil sa kasong robbery extortion sa isang illegal terminal sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Nakakulong sa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Milagros Peñalosa-Tuazon, ng Hon­radez St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod.

 Ang nagharap ng reklamo ay sina Wilfredo Trinidad, 39; Denasto Sayno, 57; Dandy del Pilar, 29; at Robella Patanao.

Nabatid na  laging hinihingian ng suspect at ng mister nito na nakilalang si Redentor Tuazon, 60, isang ret. police ang mga complainant ng halagang tig-P100. Kapag hindi sila nag-abot sa mag-asawang suspect ay hindi pinapipila ang kanilang sasakyan sa nabanggit na illegal terminal.

Matapos magharap ng reklamo ang mga driver ay isina­gawa ang entrapment operation sa nabanggit na suspek na nagresulta sa pagka­kadakip sa naturang lola. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DENASTO SAYNO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MILAGROS PE

REDENTOR TUAZON

ROBELLA PATANAO

WILFREDO TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with