^

Metro

Burol ng anak ni Cesar, isasapribado

-

MANILA, Philippines - Gagawing  pribado ang burol ng anak ni Cesar Mon­tano na si Christian Angelo Manhilot.

Ang hakbang ay desisyon umano ng pamilya upang magkaroon ng privacy sa pagdadalamhati sa yumaong anak ng aktor.

Hindi umano basta-basta  pinapapasok  ang mga tao  sa Arlington Memorial Chapel kung saan nakalagak ang labi ni Manhilot maliban sa kakilala ng pamilya.

Sinasabing sa Arlington na rin umano natulog kagabi ang mag-asawang Cesar at Sunshine Cruz dahil sa sobrang pagod ng dalawa.

Sa ngayon ay wala pa ring ipinapalabas na pahayag ang pamilya ni Cesar kung ililibing o iki-cremate  ang labi ng anak ngunit batay sa inisyal na pag-uusap ay mas gusto na lang umano ng pamilya na i-cremate ang labi ni Manhilot. Si Manhilot ay nasawi makaraang mag­baril sa sarili sa loob ng kanilang tahanan kama­kalawa ng madaling-araw dahil umano sa problema sa pag-ibig. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ARLINGTON MEMORIAL CHAPEL

CESAR MON

CHRISTIAN ANGELO MANHILOT

CRUZ

GAGAWING

MANHILOT

SI MANHILOT

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with