^

Metro

Cook ginising para lamang holdapin

-

MANILA, Philippines - Isang cook ang ginising ng tatlong kalalakihan para la­mang holdapin sa Na­votas City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ryan Campos, 20.

Nadakip naman ang mga suspek na  sina Rey Ofras­pres, 19; Michael Cadit, 24 at Mark Anthony Noma, 19, pa­wang mga taga-Barangay Tumana ng nabanggit na siyudad.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya naganap ang insi­dente dakong ala-1 ng ma­daling-araw habang ang biktima ay mahimbing na natutulog sa may upuan malapit sa pinapa­sukan nitong restaurant sa Lutong Haybol Restaurant, na mata­tagpuan sa kahabaan ng Bangus St., North Bay Boulevard, Na­votas City.

Ginising ng mga suspek ang biktima at nang dumilat na ang huli ay doon na ito tinu­tukan ng patalim at nag­­­dek­lara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang P1,000 cash ng bik­tima bago nagsitakas habang nakahingi naman ng tulong si Campos sa mga barangay tanod.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek subalit hindi na na­bawi ang pera ng biktima. (Lordeth Bo­nilla)

vuukle comment

BANGUS ST.

BARANGAY TUMANA

LORDETH BO

LUTONG HAYBOL RESTAURANT

MARK ANTHONY NOMA

MICHAEL CADIT

NORTH BAY BOULEVARD

REY OFRAS

RYAN CAMPOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with