Lola todas sa dos-por-dos

MANILA, Philippines - Hindi na nakapamalengke ang isang 60-anyos na lola nang mabagsakan ng maha­bang dos-por-dos, habang naglalakad sa tapat ng itinata­yong gusali sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nabatid na nagtagal pa ng anim na oras bago tuluyang binawian ng buhay ang bik­timang si Liwayway Wyco, ng 1741 Antonio Rivera St., Tondo, Maynila bunsod ng pinsalang tinamo sa ulo at katawan ng dos-por-dos na may habang walong piye (8 feet).

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa A. Rivera St., sa Tondo.

Patungong palengke ang lola nang dumaan sa itinata­yong 4 na palapag ng gusali nang mabagsakan ng   kahoy.

Mabilis namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima, ngunit dakong alas- 2:30 ng hapon nang malagutan ito ng hininga sa Tondo General Hospital.

Isasailalim naman sa ma­ susing interogasyon ang mga obrero ng Asia Instructural Developer Corporation para matukoy kung sino ang dapat na managot sa krimen. (Ludy Bermudo)

Show comments