^

Metro

8-taon sa 'dorobong' pulis

-

MANILA, Philippines - Walong taon pagkakakulong ang ipinataw ng Manila Regional­ Trial Court (MRTC) sa isang pulis-Maynila na puwer­sahang kumuha sa mamahaling cellphone ng isang negos­yante noong 2002 sa Sta.Mesa, Maynila.

Batay sa desisyon ni Manila RTC Judge Marivic Balisi-Umali ng Branch 19, napatunayang guilty sa kasong robbery si SPO2 Julius Payoyo makaraang kunin nito ang Nokia 8890 cellphone ni Arvin Japlit, isang money-lending trader at part time barangay tanod sa Sta. Mesa in Maynila. Kinuha din ni Payoyo ang anim na pirasong speed reloader ng .38 caliber revolver na pag-aari ni Japlit.

Gayunman,ibinasura ng hukom ang alegasyon ni Japlit na kinuha din ni Payoyo ang kanyang P10,000 at US$ 200 cash, dahil naniniwala ang korte na walang dahilan ang una para mag­dala ng malaking halaga dahil nangyari ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw.

Lumabas sa court records na nangyari ang insidente noong Agosto 22,2002 habang nagpapatrulya si Japlit sa panulukan ng Fortuna St. at Magsaysay Boulevard. Dumating umano si Payoyo sa lugar kasama ang anim na hindi kilalang kalalakihan na sakay ng owner-type jeep at kinompronta si Japlit nang makitang may nakasukbit na baril. Nabatid na lisensiyado ang baril ni Japlit.

Matapos na makuha ang cellphone at anim na pirasong speed loader ni Japlit, pinalo pa sa ulo ni Payoyo ang una at saka tumakas. Itinanggi naman ni Payoyo na kinuha niya ang cellphone ni Japlit at sinabi nito na nagkasugat ito makaraang madulas dahil sa pakikipag-agawan sa baril.

Hindi naman tinanggap ng korte ang alibi ni Payoyo kung saan mas binigyan ng bigat ang testimonya ng mga testigo na may ginawang pang-aabuso ang pulis. (Doris Franche)

ARVIN JAPLIT

DORIS FRANCHE

FORTUNA ST.

JAPLIT

JUDGE MARIVIC BALISI-UMALI

JULIUS PAYOYO

MAGSAYSAY BOULEVARD

MAYNILA

PAYOYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with