Stradcom pumalag sa PETC-IT providers

MANILA, Philippines - Inihayag ng Stradcom Corporation, ang IT providers ng Land Transportation Office (LTO) na ang kasalukuyang sistemang ginagamit ng mga Private Emission Testing Centers (PETC)-IT providers ang dahilan kung bakit talamak ang problema ng non-appearance ng mga sasak­yan sa emission test.

Sa statement ng Strad­com nakasaad na magpa­patuloy ang non-appearance sa emission test ng mga sasakyan dahil ang sistemang ginagamit ng mga PETC- IT providers ay walang sapat na kaka­yahan upang mapigil ito.

Sa pamamagitan uma­no ng kautusan ng LTO, inaasahan umano na mas magiging epektibo ang ganitong sistema upang sugpuin ang non-appearance test dahil hindi na magkakaroon ng tinata­wag na “middle layer” na kung saan ay puwedeng mamaniobra ang isang resulta ng emission test.

Kalokohan umano ang naunang ipinahayag ng PETC IT providers na ang gi­nagawa nitong “test mode” sa mga motor vehicles ng LTO ay hindi dahilan ng pamamaya­g­pag ng non appearance testing.

Lumang tugtugin na umano ito na kung saan ay pilit pinagtatakpan ng mga PETC-IT providers ang ma­­tagal ng problema ng non-appearance kung kaya’t hindi nito masugpo- sugpo.

Show comments