Tuition fee increase sa PUP, pinigil
MANILA, Philippines - Tutugon sa naging desisyon ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Emmanuel Angeles ang pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na ipagpaliban ang pla nong 200% pagtataas sa tuition fee na ilalaan sa pagpapaunlad sa mga pasilidad at kagamitan ng unibersidad.
Sinabi ni PUP Public Affairs Office head, Dr. Divina Pasumbal, na bilang chairman ng CHED si Angeles rin ang tumatayong chairman ng Board of Regents ng pamantasan kaya may awtoridad itong i-strike out ang anumang diskusyon o panukala.
Wala rin umanong magagawa si PUP President Dante Guevarra kundi sumunod kay Angeles ngunit iginiit nito na hindi niya iniaatras ang kanyang panukala. Importante umano kay Guevarra na umaksyon siya sa matinding pangangailangan ng unibersidad para masolusyunan ang problemang kinakaharap nito sa pasilidad at equipments.
Una namang hinarang ni Angeles ang planong tuition fee increase ng PUP mula P12 kada unit sa P200. Sinabi ni Angeles na tutulungan na la mang niya ang PUP sa pagkalap ng dagdag na pondo sa mga kakilala nito at pagla-lobby sa Kon greso sa pagdaragdag ng pondo para sa unibersidad.
Itinanggi naman ni Pasumbal ang mga hinala na maaaring may kaugnayan ang biglaang planong pagtataas sa tuition fee sa pagpapalit ng administrasyon kung saan maaaring mapalitan rin si Guevarra. Sinabi ni Pasumbal na hindi “co-terminus” o “appointed” ng Pangulo ang pinuno ng pamantasan kundi ang Board of Regents ang pumipili nito sa ilalim ng Republic Act 8292.
Una nang iginiit naman ni Guevarra na 25% ng mga estudyante sa PUP ay kayang tustusan ang P200 kada unit sa tuition fee. Makakalikom umano sila ng dagdag na P50 milyon sa panukalang tuition fee increase na magagamit sa pagpapaunlad sa mga “laboratory equipments” ng unibersidad para makasabay sa ibang pamantasan.
Ito naman ang iprinotesta ng mga mag-aaral na nauwi pa sa matinding kaguluhan at sunugan.
- Latest
- Trending