MANILA, Philippines - Ipinaaaresto ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang 189 na katao na sangkot sa Maguindanao masaker.
Ito ay makaraang magpalabas si QC RTC Judge Jocelyn Solis Reyes ng Branch 221 ng warrant of arrest laban sa mga ito kaugnay sa 56 na kaso ng pamamaslang. Kabilang sa mga ipinaaresto ay ang ilang miyembro ng pulisya, CAFGU, sibilyan at iba pang kaanak ng mga Ampatuan.
Partikular na binanggit sa warrant ang mga elemento ng 15th Regional Mobile Group sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, 157th at 158th Police Provincial Mobile Group na nakatalaga sa Maguindanao.
Wala namang ipinalabas na piyansa si Judge Solis Reyes para sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek. (Angie dela Cruz)