MANILA, Philippines - Muling pinalawig ng pamahalaang lungsod ng Quezon at ng Federacion International de Abogadas (FIDA) ang kanilang proyekto na mabigyan ng libreng legal assistance ang mga mara litang taga-lungsod partikular ang mga biktima ng karahasan sa kababaihan.
Nilagdaan ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at FIDA president Elizabeth Padron ang me morandum of agreement upang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng FIDA legal assistance na inilunsad sa QC Hall noong 2008.
Ang memorandum of agreement sa pagitan ng QC at FIDA ay bahagi ng pagdiriwang ng Women*s Month sa lungsod.
Sinabi ni Belmonte na ang kanyang administrasyon ay patuloy na tutulong upang matuldukan ang maling pananaw sa mga kababaihan.Pinapurihan din nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa pagbuo ng maunlad na komunidad.
Ang QC Ladies Foundation,Inc. sa pangunguna ni Joy Belmonte ang nananatiling tagasuporta at tulay sa paghahatid ng serbisyo at programang pangbarangay partikular sa usapin sa kababaihan.
Noong 2009, tinatayang 2,000 residente mula sa 142 barangay sa lungsod ang nabigyan ng libreng legal assistance na pinangunahan ng 13 volunteer lawyers mula sa FIDA.