^

Metro

Free legal assistance ng Quezon City government at FIDA, patuloy

-

MANILA, Philippines - Muling pinalawig ng pamahalaang lungsod ng Quezon at ng Federacion Inter­national de Abogadas (FIDA) ang kanilang pro­yekto na mabigyan ng libreng legal assistance ang mga mara­ litang taga-lungsod partikular ang mga biktima ng kara­hasan sa kababaihan.

Nilagdaan ni Quezon City Mayor Feliciano Bel­monte Jr. at FIDA president Elizabeth Padron ang me­ morandum of agreement upang maipagpa­tuloy ang pagpapatupad ng FIDA legal assistance na inilunsad sa QC Hall noong 2008.

Ang memorandum of agreement sa pagitan ng QC at FIDA ay bahagi ng pagdiriwang ng Women*s Month sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na ang kanyang administras­yon ay patuloy na tutulong upang matuldukan ang maling pananaw sa mga kababaihan.Pinapurihan din nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa pagbuo ng maunlad na komunidad.

Ang QC Ladies Foun­da­tion,Inc. sa pangunguna ni Joy Belmonte ang na­nanatiling tagasuporta at tulay sa paghahatid ng ser­bisyo at programang pang­barangay partikular sa usapin sa kababaihan.

Noong 2009, tinata­yang 2,000 residente mula sa 142 barangay sa lung­sod ang nabigyan ng lib­reng legal assistance na pinangunahan ng 13 volunteer lawyers mula sa FIDA.

ABOGADAS

BELMONTE

ELIZABETH PADRON

FEDERACION INTER

JOY BELMONTE

LADIES FOUN

NILAGDAAN

NOONG

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with