^

Metro

P2-milyong halaga ng corned beef hinaydyak ng 7 armado

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa P2 milyong halaga ng produkto ng de-latang corned beef ang na­tangay ng pitong arma­dong kalalakihan maka­raang hay­dyakin ang isang 10-wheeler truck na may dala dito sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa ulat, nabatid ang pangha-haydyak maka­raang personal na dumulog sa kanilang tanggapan ka­hapon ang mga biktimang sina Andito Guamos, 45, driver; at Nazario Garde Jr., helper; kapwa empleyado ng Ge­miniou Trucking Incorporation na matatag­puan sa Martina Road, San Roque, Marikina.

Sa pagsisiyasat, lumili­taw na nangyari ang insi­dente sa may C.P Garcia St., UP Dili­man sa lungsod ganap na alas-3 kamaka­lawa ng hapon.

Ayon kay Guamos, bago nito, galing umano sila sa Navotas sakay ng 10 wheeler Isuzu wing (YBR-652) at idedeliber ang may 1,360 kahon ng de latang corned beef sa Pasig nang harangin sila ng dalawang motorsiklo.

Agad na bumaba ang dalawa sa mga suspect na armado ng baril na itinutok kay Guamos.

Kasunod nito, dumating ang isa pang Besta van na hindi naplakahan sakay ang lima pang suspect saka pi­nababa ang dalawang bik­tima at inilipat sa van, sabay gapos at piniringan ang kanilang mga mata.

Dagdag ni Guamos, na­ramdaman na lang niyang bumibiyahe sila at makalipas ang ilang oras ay   ibinaba sila sa may lugar ng Brgy. San Roque Mexico Pam­panga pero tangay ng mga suspect ang kanilang kar­gamento.

Dahil dito, agad na tina­wagan ni Guamos ang kani­lang amo, upang ipabatid ang nasabing pangyayari kung saan sila sinundo at dinala sa nasabing himpilan para magreklamo. Iniimbestigahan na ng CIDU ang nasabing insi­dente. (Ricky Tulipat)

ANDITO GUAMOS

AYON

GUAMOS

MARTINA ROAD

NAZARIO GARDE JR.

P GARCIA ST.

RICKY TULIPAT

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with