^

Metro

Van ni Carlo J. Caparas, sumiklab sa SLEX

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa kapahamakan ang da­lawang anak at ang driver ng manunulat, producer at director sa pelikula na si Carlo J. Caparas makara­ang magliyab ang sinasak­yang van ng mga ito kaha­pon ng umaga sa toll exit ng Filinvest sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Mun­­tinlupa City.

Sunog na sunog ang ka­lahati ng Dodge Ram na sports utility vehicle (ULP-111) na minamaneho ni Joel Capillan, 57, ng Brgy Puli­han, Cabuyao, Laguna ma­ta­pos bigla na lamang su­miklab ang unahang bahagi ng naturang sasakyan ha­bang palabas na sa nasa­bing toll exit dakong alas-6:50 ng umaga.

Nadamay din sa natu­rang sunog ang dalawang toll booth sa north bound lane ng Filinvest exit bago tuluyang naapula ang apoy makaraang magresponde ang tauhan ng Muntinlupa City at SLEX Fire Station.

Ayon kay SPO1 Jerry Pormales, imbestigador ng SLEX Traffic Enforcement Unit na nakalabas kaagad ng naturang sasakyan ang driver at ang dalawang anak ng mag-asawang Donna Villa at Carlo Caparas bago pa man lumaki ang apoy na halos tumupok sa kabuuan ng sasakyan.

Nabigo namang makuha ng pulisya ang pangalan ng dalawang anak ni Caparas dahil umalis kaagad ang mga ito.

Nabatid pa rin sa pulisya, nagsimula ang apoy sa engine compartment ng natu­rang sasakyan na posibleng sanhi ng kawad ng kuryente o tumagas na gas o langis.

BRGY PULI

CAPARAS

CARLO CAPARAS

CARLO J

DODGE RAM

DONNA VILLA

FILINVEST

FIRE STATION

JERRY PORMALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with