^

Metro

14 tiklo sa 'Recto University'

-

MANILA, Philippines - Labing-apat katao ang nadampot ng mga operatiba ng MPD- District Intelligence Divi­sion mula sa tinaguriang “Recto University” bunsod ng patuloy pa ring paggawa at pagbebenta ng mga pekeng diploma, birth certificate at sedula, kamaka­lawa ng hapon sa kahabaan ng C.M Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga inaresto na sina July Ligaya, 29; Ruel Mendoza, 32; Ronalde de la Cruz, 30; Rex Lagrimas, 45; Eduard Panganiban, 34; Rosita Plamenco, 42; Arnel Foronda, 37; Maricel Beltran, 30; Maricris Babunan, 32; Melinda Ramos, 43; Jane Montejo, 24; Julie San­tiago. 38; Lito Manalo, 28; Ryan Aldiano, 28.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 28 piraso ng board na gamit sa paggawa ng pekeng dokumento, 11 piraso ng pekeng sedula, monitor, CPU, AVR, scanner at 1 printer.

Ang pagsalakay ay isina­gawa   bunsod ng kautusan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ma­tapos may makatanggap muli ng reklamo hinggil sa pama­­mayagpag ng mga guma­gawa ng pekeng dokumento sa kahabaan ng CM Recto.

Kasong paglabag sa Sec. 4 Art. 169 ng Revised Penal Code o falsification of private and commercial document laban sa mga nadakip. (Ludy Bermudo)

ARNEL FORONDA

CRUZ

DISTRICT INTELLIGENCE DIVI

EDUARD PANGANIBAN

JANE MONTEJO

JULIE SAN

JULY LIGAYA

LITO MANALO

LUDY BERMUDO

M RECTO AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with