^

Metro

Computer technician pumalag sa holdap, todas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na computer technician maka­ra­ang pagsasaksakin at pagtu­lungang bugbugin ng apat na holdaper makaraang tumang­ging ibigay ang bitbit na laptop bag, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi. 

Tuluyang binawian ng bu­hay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Roberto Vargas, ng P. Narciso St., San Juan City dahil sa dami ng tina­­mong mga saksak sa katawan, pasa at galos dahil naman sa bugbog.

Pinaghahanap pa ang apat na lalaking suspek na ar­mado ng patalim na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Det. Joseph Ka­big­ting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nitong Lunes nang maganap ang insidente sa harapan ng Post Office-Sta Mesa branch, sa kanto ng Ramon Magsay­say Blvd., at Santol St., Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na nag-aabang ng   masasakyan jeep ang biktima na papauwi mula sa pagkum­puni ng sirang computer sa Sam­­paloc, Maynila nang pali­butan ito ng mga suspek at nag­labas ng patalim sabay deklara ng holdap.

Pinaniniwalaang tumang­gi umano na ibigay ng biktima ang bitbit na laptop bag kaya pinag­sasaksak siya at kinu­yog ng apat. Nang human­du­say na sa semento ang dugu­ang biktima ay kinuha pa sa kanyang bulsa ang cash, cell­phone at ang dalang laptop bag bago kaswal na naglakad papalayo sa direk­siyon ng Ramon Magsaysay Blvd.

Naniniwala si Kabigting na inakala ng apat na may la­mang laptop computer ang bag, na gi­nawa lamang uma­nong lalag­yan ng kanyang mga gamit sa pagre-repair ng biktima.

Nagbabala rin si MPD-Homi­cide chief, C/Insp. Erwin Margarejo sa publiko na hindi dapat magbitbit ng anumang bagay na maaring makaagaw ng atensiyon ng mga holdaper lalo na sa gabi tulad ng laptop bag na naging mitsa ng buhay ng biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ERWIN MARGAREJO

JOSEPH KA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NARCISO ST.

POST OFFICE-STA MESA

RAMON MAGSAY

RAMON MAGSAYSAY BLVD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with