^

Metro

Mag-asawa timbog sa pagnanakaw sa amo

-

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang mag-asawa matapos na loko­hin umano ng mga ito ang kanilang amo sa pamamagitan ng pagwi-withdraw sa bangko ng pera ng kompanya ng may kabuuang halagang P2, 253, 393 sa lungsod Quezon.

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Edgardo Ricamara, 37, production delivery; at asawang si Jane, 35, accounting clerk; kapwa residente sa  Yakal St., Project 3 sa lungsod. Ang mag-asawa ay inaresto base sa reklamo ng isang Arlene Chua, may-ari ng BR Chua Enterprises Inc. na matatagpuan sa M. dela Fuente St.,Sampaloc Manila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Loreto Tigno, may-hawak ng kaso, ang mga suspect ay regular employee ng nasabing kumpanya simula 1994 hanggang sa kasalukuyan.

Lumilitaw nag-ugat ang insidente nang utusan ni Chua si Jane na kunin ang bank booklet at iba pang dokumento sa kanilang tahanan sa Samar St., Brgy. West Triangle sa lungsod noong Hulyo 30, 2009 at dalhin ito sa kanilang tanggapan. Dahil dito, nakakuha ng pagkakataon ang mag-asawa na kunin ang blankong tseke na may pirma sa pangalan ni Mr. Chua.

Marso 10 ng taong kasalukuyan ay nadiskubre ng biktima na may nag-withdraw na halagang P183,000 sa account ng kanyang kompanya nang magsagawa ito ng beripikasyon sa banko.

Dala ng kaduda-dudang pahayag ni Jane, agad na tsinek ni Chua ang bangko kung saan nalaman nito na August 26, 2009 ay nakapag-withdraw ang una ng nasabing salapi gamit ang ninakaw na bank check ng kompanya. (Ricky Tulipat)

ARLENE CHUA

CHUA

CHUA ENTERPRISES INC

EDGARDO RICAMARA

FUENTE ST.

LORETO TIGNO

MR. CHUA

RICKY TULIPAT

SAMAR ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with