^

Metro

Magkaibigan inatake ng vendor: 1 patay, 1 sugatan

-

MANILA, Philippines - Isang binata ang patay habang sugatan naman ang kaibigan nito makara­ang atakehin ng saksak ng isang vendor habang nag-iinuman ang mga una kamakalawa sa Quezon City. Sugatan naman ang suspect makaraang ma­ba­ril ng isang brgy. tanod habang papatakas.

Nakilala ang nasawi na si John Mario Palilan, 25 ng Brgy. Commonwealth, Quezon City, habang su­ga­tan naman ang kaibigan nitong si Felixberto Cabu­sas, 44. Habang ang na­baril na suspect ay nakila­lang si Nicolas Artita, 40, vege­table vendor ng Brgy. West Fairview sanhi ng tina­mong   tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang bumaril dito na si Rolando Paler, miyembro ng Brgy. Police Security Office .

Sa imbestigasyon ng puilisya, nangyari ang insi­dente sa may Lumantad com­pound, Dhalia St., Brgy. West Fairview ganap na alas-6 ng gabi.

Sinasabing nag-iinu­man ang mga bikti­mang sina Palilan at Ca­busas nang biglang duma­ting ang suspect na si Artita na may bitbit ng patalim at ina­take ng saksak ang mga una. Matapos ang pana­nak­sak ay mabilis na tu­makas ang suspect, ngunit nasa­lu­bong naman ito ni Paler na reresponde sana sa lugar na may dalang baril ngunit ng makitang may patalim ang una ay binaril na agad niya ito, saka tumakas.

Hidwaan sa kanilang grupo ang tinitingnang mo­tibo ng pulisya sa pana­nak­sak ni Cabusas sa da­la­wang magkaibigan ha­bang patuloy ang imbesti­gas­yong ginagawa sa nasa­bing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BRGY

DHALIA ST.

FELIXBERTO CABU

JOHN MARIO PALILAN

NICOLAS ARTITA

POLICE SECURITY OFFICE

QUEZON CITY

SHY

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with