^

Metro

Kelot tinodas dahil sa yosi

-

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi nagbigay ng sigarilyo, isang binata ang pinatay sa saksak ng kanyang kapitbahay sa Caloocan City kamakalawa.

Nasawi  habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si John Ely Panganiban, 20,  ng DM Compound, ng lungsod na ito.

Nadakip naman ang suspek na si Jomari Gallano, 39, at kalugar ng biktima.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:10 ng hapon sa naturang lugar makaraang bumili ng yosi ang biktima sa isang tindahan. Nakita ito ng suspect at pilit na umaarbor ang huli.

Gayunman, hindi binigyan ng biktima ang suspek na naging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang sa bunutin ni Gallano ang dalang patalim at pagsasaksakin si Panganiban. Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa naturang pagamutan habang nadakip naman ang suspek ng mga barangay tanod. (Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

GALLANO

GAYUNMAN

JOHN ELY PANGANIBAN

JOMARI GALLANO

LORDETH BONILLA

MATAPOS

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with