Paglilipat kay Ivler sa NBI dedesisyunan ngayon

MANILA, Philippines - Malalaman ngayong Martes mula sa Quezon City court kung maililipat na sa NBI detention cell ang road rage suspect na si Jason Ivler mula sa Quirino Memorial Me­dical Center.

Ito ay dahil sa magbi­bigay ng testimonya nga­yon ang mga medi­cal experts ni Ivler kung ma­aari na itong maila­bas ng pagamutan, de­pende sa kalagayan ng kalusugan nito. Una nang iginiit ng panig ng prosekusyon kay QC Regional Trial Court, Branch 76, Judge Alexander Balut  na ilipat na si Ivler  sa NBI mula sa ospital dahil  ka­ilangan na la­mang naman na imo­­nitor ang sugat nito bilang out-patient  dahil stable na ang ka­lagayan nito.

Inaasahan na dadalo ngayong  alas-2 ng hapon sa pagdinig sina  Dr. En­rico Ragasa, chief sur­geon  ng National Kidney Center, Dr. Romeo Es­trada ng  Makati Medical Center.

Ang kahilingang pag- transfer ni Ivler sa NBI ay patuloy namang  hina­had­langan ng abogado nito na nagsasabing hindi pa panahon na ma­ilipat si Ivler sa NBI dahil hindi pa ganap na ma­galing ang sugat nito na tinamo sa ginawang pag­huli dito kamakailan ng mga NBI sa bahay ng ina noong Enero 18. (Angie dela Cruz)

Show comments