^

Metro

Gasolinahan nilooban: Sekyu patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinaslang muna ang guwardiyang nagbaban­tay bago nilooban at tina­ngay ang kaha-de-yero ng isang gasolinahan ng isang grupo ng mga ka­watan kahapon ng mada­ling-araw sa Las Piñas City.

Namatay noon din ang biktimang si Virgilio Maga, ng 5MR & HVC Se­curity and Investiga­tion Agency sanhi ng tinamo nitong matitinding palo sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa matigas na bagay.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis para sa ikada­rakip sa mga salarin.

Sa inisyal na imbesti­gasyon nina P03 Leo­poldo Diaz at P02 Danilo Esguerra, ng Station Inves­tigation Division (SID), Las Piñas City Police, dakong alas- 6 ng umaga nang matag­puan ang bangkay ng biktima ng mga kawaning sina Wilson Soliven, 30 at Jessine Campbell, 21 sa loob mismo ng comfort room ng Caltex Gasoline Station, na matatagpuan sa Southland Avenue, Brgy. Talon 1, ng nabang­git na siyudad. Doon din nabatid na nawawala ang kaha-de-yero ng gasoli­na­han na naglalaman ng malaking halaga.

Ayon sa imbesti­gas­yon, posibleng suma­la­kay ang mga suspek dakong alas-12 ng ha­ting­gabi. Maaari ring pi­nas­lang muna ang sekyu bago tuluyang nilooban ang naturang establisi­mento.

vuukle comment

CALTEX GASOLINE STATION

CITY POLICE

DANILO ESGUERRA

JESSINE CAMPBELL

LAS PI

SHY

SOUTHLAND AVENUE

STATION INVES

VIRGILIO MAGA

WILSON SOLIVEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with