LTO memo pabor daw sa fixers

MANILA, Philippines - Tila pumabor raw sa mga fixers ng Land Transportation Office ang inilabas ni LTO Chief Arturo Lomibao na isang memorandum na nagpapa­hintulot  sa Stradcom ng tuloy-tuloy na direct connectivity testing kahit napatu­nayang hindi nito nalulunasan ang non-appearance o kati­walian sa Private Emmission Test Centers (PETCs).

Dahil sa memo na ito, pu­wedeng magdala na lamang ng mga papeles ng sasakyan sa PETC at palabasin na sumailalim na sa emission test ng hindi na kailangang dalhin ang sasakyan.

Ayon sa mga legitimate PETCs, madalas uma­nong magdala ang mga fixers ng papeles dahil dito ay mala­yang nakakapagsagawa ng non-appearance (NA) at wala itong mga karagdagang features na siyang nakaka­monitor kung ang PETC ay gumagawa ng NA o hindi. 

Dahil dito, sa nakaraang ilang buwan, paunti na naman ng paunti ang makikitang pumipila sa emission testing habang ’di naman nababa­wasan ang nagpaparehistro ng mga sasakyan.  (Butch Quejada)

Show comments