^

Metro

2 snatcher nasundan ng biktima, timbog!

-

MANILA, Philippines -  Nagwakas na ang maliligayang araw ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo makaraang masundan sila ng babaeng estudyante na kanilang inagawan ng bag sa pampasaherong dyip sa kahabaan ng J. Abad Santos st., Tondo, Maynila.

Arestado ang mga suspek na kinilalang sina Christopher Garcia, 26, ng Batangas st., Tondo at Joseph Tagle, 32, ng 1155 Laguna Extension, Tondo, matapos silang positibong kilalanin ng biktimang si Joanne Carla Carpio, 19-anyos, ng Block 14, Phase 3-C, Kaunlaran Village, Caloocan City at nursing student ng Fatima School.

Ayon kay PO1 Roderick Magpale, dakong alas-7:09 ng gabi kamakalawa nang maganap ang panghahablot ng bag ng biktima sa loob ng pampasaherong dyip na patungo sa kahabaan ng J. Abad Santos st..

Nang maagaw na ang bag ay dali-dali umanong sumakay ang isa sa suspek sa nakamotorsiklong kasamahan at sumibat. Hindi naman nagsayang ng sandali ang biktima at siya ay bumaba at sa pagdaan ng tricycle ay kaniyang sinakyan upang sundan ang direksiyon ng mga suspek.

Nang matiyak ng biktima kung saan pumarada ang motorsiklo ay dali-daling nagtungo sila sa kalapit na Manila Police District-Station 7. Agad namang rumesponde sina Magpale, PO1 Ronnie Tan at PO3 Gener de Guzman.

Narekober pa ang mga natangay na dalawang Nokia cellphone at bote ng pabango habang ang bag ay hinihinalang itinapon na sa basurahan.

Nahaharap sa kasong robbery-snatching ang dalawang suspek na nakapiit sa MPD-Station 7. (Ludy Bermudo)

ABAD SANTOS

CALOOCAN CITY

CHRISTOPHER GARCIA

FATIMA SCHOOL

JOANNE CARLA CARPIO

JOSEPH TAGLE

KAUNLARAN VILLAGE

LAGUNA EXTENSION

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with