^

Metro

May kapansanan sa QC bibigyan ng diskwento

-

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng pamahala­ang lungsod ng Quezon ang pamamahagi ng identification card sa mga may kapansanan sa siyudad na itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 9442, kilala bilang Magna Carta for Persons with Disabilities, upang mabig­yan ng discount at incentive ang mga may kapansanan.

Una sa talaan ng mga nabi­ya­yaan ng nasabing batas ang mga special children na dumalo sa taunang Camp Pag-ibig na gina­­ nap sa Balara Filtration Plant. Pinangangasiwaan ni Te­resa Mariano, hepe ng Social Services Development Depart­ment (SSDD) ng pamahalaang lungsod ng Quezon, ang pami­migay ng ID card.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 3,508 ID card ang naipama­hagi ng pamahalaang lungsod ayon kay Mariano. Tatanggap ng prebilehiyong katumbas ng benepisyong tina­tanggap ng mga senior citizen ang mga person with disability (PWD) na mabibigyan ng na­sabing ID card.

Itinatakda ng RA 9442 ang pagbibigay ng 20 porsyentong discount sa mga tinatawag na persons with disability sa lahat ng establisimento sa lungsod ka­tulad ng restaurant, recreational center at sinehan, kabilang na ang 20 porsyentong bawas sa pamasahe sa lahat ng uri ng transportasyon.

Bago ang pamamahagi ng mga ID card, nagbigay ang SSDD ng mga serye ng aktibi­dad upang hikayatin ang mga may-ari ng negosyo sa lungsod na sumunod sa itinakda ng RA 9442, partikular sa usapin ng pagbibigay ng diskuwento sa mga PWD.

Ang Quezon City, sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Feli­ciano Belmonte Jr. ay nag­lunsad ng mga programa para matulungan ang mga PWD sa lungsod tulad ng educational assistance, capability training at livelihood para sa pamilya ng PWD. Tinatayang may 27,000 ang bilang ng mga may kapansanan sa Quezon City.

ANG QUEZON CITY

BALARA FILTRATION PLANT

BELMONTE JR.

CAMP PAG

MAGNA CARTA

MARIANO

MAYOR FELI

QUEZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with