Sekyu patay sa bigti
MANILA, Philippines - Isang security guard ang patay matapos na magbigti sa sarili dulot ng nararanasang sakit sa tiyan sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Edacio Silos, 40, ng 95-A Park 7, C. Salvacion St., Loyola Heights sa lungsod.
Ayon sa ulat, dumaranas umano ng pananakit ng tiyan dahil sa gall bladder ang sekyu at naoperahan umano ito noong Nobyembre 20, 2009.
Natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang mga kaanak na sina Rio at Rosalie Rivera habang nakabitin gamit ang sinturon, ganap na alas- 8 ng gabi.
Agad na kinalas ng dalawa buhat sa pagkakabitin ang biktima at isinugod sa Fairview General hospital ngunit idineklara din itong patay. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending