^

Metro

Piskal ng Pasay City kinasuhan ng PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ka­hapon ng kaso ng Philip­pine National Police (PNP) sa Office of the Om­­buds­man ang isang piskal ng Pasay City matapos na ibasura ang kasong pag­labag sa Comelec gun ban sa na­arestong si Malinao, Al­bay Mayor Avelino Cerio­la na nahuli­han ng baril na peke ang papeles habang pasakay ng eroplano sa NAIA Ter­minal 2 sa Pasay City noong Lunes.    

Ayon kay PNP Spokes­man Chief Supt. Leonardo Espina, lanta­rang binale­wala ng Pa­say City Prose­cutor’s Office ang kasong illegal pos­session of fire­arms at pag­labag sa Om­nibus Elect­ion Code na isinam­pa ng PNP laban kay Ceriola.

Sinabi ni Espina na si­nampahan nila ng ka­song malfeasance at grave abuse of discretion sa tang­gapan ni Atty. Gil Bueno, graft investigator ng Office of the Ombuds­man si Pasay City Asst. Prosecutor Manuel Or­tega sa kabiguang litisin sa kaso ang inarestong alkalde.

Base sa resolusyon na nilagdaan ni Inquest Pro­secutor Manuel Or­tega na inaprubahan ni Pasay City Prosecutor Elmer Mitra, ipinag-utos ang pagpapa­laya sa ina­restong alkalde.

Inihayag ni Espina na inatasan na ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang PNP-Avia­tion Security Group PNP-ASG) na magsumite ka­agad ng motion for recon­sideration at sampahan ng kasong administratibo ang nasa­bing piskal ka­ugnay ng po­sibleng pag­labag sa Anti-Graft and Corrupt Prac­tices Act at Grave Abuse of Dis­cretion.

Si Ceriola ay nasa­kote ng PNP-Aviation Se­cu­rity Group noong Lunes ha­bang pasakay ng PR 277 patungong Le­gaspi City nang ma­harang ito sa security inspection sa NAIA Ter­minal 2 sa Pasay City dahilan sa pagdadala ng cal. 45.

Ang alkalde ay ina­resto dahilan sa pagpiprisinta ng pekeng Permit to Carry Firearms Out­side of Re­sidence (PTCFOR) na inisyu umano ni Comelec Com­missioner Lucenito Tagle, Chairman ng Come­lec Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP).

Samantala, bunga ng insidente ay inireko­menda ng PNP sa Come­lec na idiskuwali­pika ang kandi­datura ng re­elect­ionist na si Ceriola ka­ug­nay ng ga­ganaping hala­lan sa Mayo ng taong ito.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRAC

AVIATION SE

CARRY FIREARMS OUT

CERIOLA

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF SUPT

CITY

PASAY CITY

PNP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with