^

Metro

'Dialogue Mindanaw' matagumpay na nagtapos sa Bongao

-

MANILA, Philippines - Hindi napigil ng mainit na pa­nahon at blackout ang 397 peace advocates para dumalo sa konklusyon ng “Dialogue Min­danaw” ng Office of the Pre­sidential Adviser on Peace Pro­cess (OPAPP) kahapon (Lunes, March 15) sa Datu Amirbahar H. Jaafar Con­vention Center ng Mindanao State University dito.

Ang nationwide consultation ay ikinasa ng OPAPP sa pamu­muno ni Sec. Annabelle Abaya upang maisama ang tao, lalo na ang mga stakeholders, sa nego­sasyon sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamamagitan ng ka­nilang input, pananaw at reko­mendasyon.

Ayon kay Sec. Abaya, ang re­sulta ng diyalogo ay makatu­tulong sa peace negotiators ng pamahalaan at MILF na maka­kita ng totoo at pangmata­galang solusyon sa problema sa Min­da­nao. Ang Bongao leg ang pi­na­ka­huli sa 13-leg consul­ta­tions, na nagtungo rin sa iba’t ibang lugar sa Mindanao noong naka­lipas na mga buwan. Iginiit ni Abaya ang kahala­gahan ng pagbibigay ng espas­yo sa tao para magsalita ng sa­lo­obin ukol sa isyu ng kapa­ya­paan sa Mindanao.

Nalungkot naman si Haj Wil­helmina Aluk Hussin, aca­deme professional na sumama sa small group discussions, na hindi sina­mantala ng ilang tao ang pagka­kataon para maka­paghayag ng opinion.

“Muslim ka man o Kris­tiyano, dapat ay ma­kisama sa dia­­logue. Im­portante na mapa­abot ito ng gobyerno sa mama­mayan. Hindi dahil Muslim kami ay para sa amin lang ito,” wika ni Hussin.

Naglagay ang gobyerno ng official website (http://www. mapayapangmindanao.info) ma­liban sa Facebook (http://www. facebook.com/mapaya­pangmin danao) at Twitter (http://twitter. com/peacemindanao) accounts kung saan direktang makaka­kuha ang taumbayan ng impor­mas­yon ukol sa gina­gawang konsultasyon at forum kung saan puwede silang mag­palitan ng opinion at pananaw ukol sa isang partikular na isyu.

Puwede ring iparating ang mga komento sa Min­ danao peace process sa mga sumu­ sunod na text lines: 0999-42-PEACE (732-23) para sa Smart users at 0917-83-PEACE (73223) para sa Globe sub­scribers.

ABAYA

ALUK HUSSIN

ANG BONGAO

ANNABELLE ABAYA

DATU AMIRBAHAR H

DIALOGUE MIN

HAJ WIL

JAAFAR CON

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with