^

Metro

4 sasakyan wasak sa granada

-

MANILA, Philippines - Wasak ang apat na sa­sakyan na nakaparada sa isang pribadong parking lot sa harapan ng isang hotel sa Makati City makaraang pa­sa­bu­gan ng granada, kahapon ng madaling-araw.

Wasak ang brown na Toyota Revo (XBE-775) na nakarehistro sa isang Ray­mond Oblea at ang silver na Chevrolet (ZEV-294) na arkilado ng Amerikanong si Joseph Doyle sa Hertz Rent-a-Car.     

Napinsala rin sa naturang insidente ang silver na Toyota Corolla Altis ( ZHF-700) na pag-aari ng isang Augusto Politeo at Nissan Sentra (TTJ-731) na nakarehistro sa isang Oronato Domingo.

Sa imbestigasyon ng Makati Investigation and De­tective Management Branch, dakong alas-4:06 ng madaling araw nang sumambulat ang malakas na pagsabog sa parking lot sa tapat ng Tower Inn Hotel sa 1002 Arnaiz Avenue, Makati.

Agad na tumawag ng bumbero ang mga security guard ng naturang hotel kung saan mabilis na naapula ang apoy na likha ng granada.

Ayon kay Chief Insp. Merquiodi Bodanio, hepe ng Special Weapons and Tactics ng Makati City police, isang MK-2 fragmentation grenade ang ginamit sa pagpapa­sabog.

Masuwerte namang wa­lang nasaktan sa insidente na posible umanong isang uri lamang ng pananakot sa isa sa may-ari ng mga nawasak na behikulo.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan isasailalim sa pagtata­nong ang mga bantay ng park­ing lot at background investigation sa mga may-ari ng sasakyan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARNAIZ AVENUE

AUGUSTO POLITEO

CHIEF INSP

DANILO GARCIA

HERTZ RENT

ISANG

JOSEPH DOYLE

MAKATI CITY

MAKATI INVESTIGATION AND DE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with