^

Metro

Anti-smoking sa Metro Manila, paiigtingin

-

MANILA, Philippines - Paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng batas kontra sa panini­garilyo sa mga pampublikong lugar partikular na sa loob ng mga pampasaherong sasak­yan sa buong Metro Manila.

Ito’y makaraang apruba­han na ng New York based Bloomberg Philantrophies ang P9.5 milyong grant para sa MMDA para sa “anti-tobacco use program” nito na layon na gawing 100% “smoke-free” ang Metro Manila sa 2012.

Pinirmahan nitong nakara­ang Biyernes nina MMDA Chairman Oscar Inocentes at International Union Against Tuberculosis and Lung Di­sease ang dalawang taong ka­sunduan para sa proyek­tong, “Enforcement of a 100% Smoke Free Environment Policy in Metro Manila”.

Matatandaan na ipinasa ng Kongreso ang Republic Act 9211 o “The Tobacco Regula­tion Act” noon pang 2003 ngunit mistulang napabayaan ng pamahalaan ang pagpapa­tupad nito patunay ang wa­lang patumanggang pani­nigarilyo sa lahat ng sulok ng Metro Manila kahit na sa mga pam­publikong sasakyan maging ng mga tsuper.

Uumpisahang ipatupad ang programa sa Hulyo 1, 2010 at magtatapos sa Hunyo 20, 2012. Upang maging ha­limbawa, una itong ipatu­tupad sa buong opisina ng MMDA at iba pang satellite office kung saan sinumang emple­yadong mahuhuling lumala­bag dito ay sasampa­han ng kasong administratibo.

Makikipag-ugnayan rin ng MMDA sa lahat ng 16 lungsod at 1 munisipalidad sa Metro Manila at sasanayin rin ang mga traffic enforcers at mga pulis sa pagpapatupad ng naturang batas.

Bubuo rin ng “marketing strategy” at maglalagay ng advertisement sa mga paha­yagan at signages sa pagpa­patupad ng RA 9211. (Danilo Garcia)

BLOOMBERG PHILANTROPHIES

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

DANILO GARCIA

INTERNATIONAL UNION AGAINST TUBERCULOSIS AND LUNG DI

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEW YORK

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with