^

Metro

Mayor timbog sa gun ban

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga awtoridad ang isang al­kalde ng Malinao, Albay matapos itong ma­hulihan ng baril na hinihinalang peke ang lisen­sya sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Leo­nardo Espina ang nasakoteng alkalde na si  Malinao, Albay Mayor Avelino Clavecella Ceriola.

Ayon kay Espina , si Mayor Ceriola ay nahuli ng mga awtoridad habang pasakay sa Philip­pine Airliens (PAL) flight number PR 277 pa­tungong Legaspi City, Albay.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang ma­harang ng mga tauhan ng PNP-Aviation Secu­rity Group si Ceriola sa isinagawang pag-iinspek­syon sa mga pasahero at mga bagahe ng mga ito bilang bahagi ng seguridad sa NAIA terminal.

Nasamsam mula kay Ceriola ang isang cal. 45 pistol na bagaman may lisensya ng PNP-Firearms and Explosives Division (FED) ay peke ang gun exemption na umano’y nilagdaan ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle kaugnay ng gaganaping pambansang halalan sa darating na buwan ng Mayo.

Samantala, ayon kay Espina maliban sa nasabing alkalde ay may sampu pa katao ang kanilang nasakote sa Comelec gun ban sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Espina, sampung sibilyan ang nasakote at isa namang empleyado ng gobyerno kung saan nagresulta ito sa pagka­kasamsam sa pitong matataas na kalibre ng armas at walong mababang kalibre ng mga baril.

Sa kabuuan, simula ng ipatupad ang gun­ ban noong Enero 10 ay umaabot na sa 1,390 ang nasakoteng violators na kinabibilangan ng 1,222 sibilyan, 168 empleyado ng pama­halaan,  habang nasa 1,202 naman ang mga nasamsam na mga armas.

Ang implementasyon ng gun ban na tatagal hanggang Hunyo 9 ng taong ito ay naglalayong mapigilan ang mga kara­hasan sa gaganaping May polls ngayong taon sa pamamagitan ng pagkumpiska sa mga loose firearms o mga baril na walang lisensya.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY MAYOR AVELINO CLAVECELLA CERIOLA

AVIATION SECU

AYON

CERIOLA

COMELEC COMMISSIONER LUCENITO TAGLE

ESPINA

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with