^

Metro

Kaso ni Cuerpo pinaaaksyunan

-

RODRIGUEZ, RIZAL, Philippines - Nanawagan kahapon ang ilang residente ng bayang ito sa Office of the Ombudsman na aksyunan na ang matagal nang nakabimbing kasong administratibo laban sa sus­ pendidong si Mayor Pedro Cuerpo kaugnay ng pagkaka­sangkot umano nito sa “illegal logging” sa lala­wigang ito.

Base sa rekord, isinampa ng DENR ang kasong ad­ministratibo laban kay Cuerpo noong Agosto 2006.

Ito’y makaraang masa­kote ng mga tauhan ng DENR ang isang delivery ng 1,062 pirasong trosong Lauan at Narra na nagkaka­halaga ng P1.5 milyon noong Hunyo 22, 2006 na gaga­mitin umano sa paggawa ng paaralan sa Rodriguez sa kabila ng umiiral na “log ban.”

Ayon kay DENR Region 3 Director Regidor de Leon, nagpalabas ng isang undated memorandum si Cu­erpo sa isang nagnganga­lang Carlito Ciriaco para kunin ang mga logs mula sa Barangay Puray para ga­ mitin sa paaralan. Ki­nuha ang nasabing mga troso sa Angat Water Basin, ang siyang nga­yon ay pinag­kukunan ng maraming kuryente lalo sa Metro Manila at Luzon. (Danilo Garcia)

AGOSTO

ANGAT WATER BASIN

BARANGAY PURAY

CARLITO CIRIACO

DANILO GARCIA

DIRECTOR REGIDOR

MAYOR PEDRO CUERPO

METRO MANILA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with