Task Force Special NAM binuo

MANILA, Philippines - Minobilisa na kaha­pon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang Task Force Special NAM kaugnay ng ipatu­tupad na mahigpit na seguridad sa gaganaping Special Non-Aligned Move­ment Ministerial Meeting (SNAMMM) o ang Interfaith Dialogue and Cooperation for Peace and Development na isasagawa sa Maynila ngayong Marso 16-18.

Bukod dito, ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina, ay ipinag-utos na rin ni Verzosa ang pagde-deploy ng tinatayang may 5,000 police person­nel para magbigay segu­ridad sa mga delegado mula sa 105 bansang dadalo sa pagtitipon.

Ang Task Force Spe­cial NAM ay pamumu­nuan ni Deputy Director General Jefferson Soria­no, PNP Deputy Chief for Administration.

Ang naturang interna­tional conference ay ga­ganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na dadaluhan ng mga foreign delegates mula sa 105 bansa kabilang ang 24 dayuhang Minis­ters at 19 Deputy Mi­nis­ters mula sa NAM mem­ber at observer countries gayundin ang iba pang mga organisasyon. Si Pa­ngulong Gloria Maca­pa­gal Arroyo ay magsi­silbing keynote speaker sa Marso 17, isang araw matapos ang pagbubu­kas ng NAM Assembly.

Samantalang si Dr. Ali Abdussalam Treki, Pre­sident ng 64th Session ng United Nations Gene­ral Assembly naman ang pormal na magbubukas sa SNAMMM Confer­ence sa Martes kung saan ka­bi­lang sa mga speakers sina Dr. William Vendly, Sec­retary Gene­ral ng World Conference of Reli­gious for Peace. (Joy Cantos)

Show comments