^

Metro

700 mobile cars na may GPS tracking device kakalat sa Metro Manila

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 700 mo­bile cars na may GPS (Global Positioning Sys­tem ) tracking device ang ipakakalat na ngayong linggo sa iba’t ibang lugar ng  Metro Manila upang mapabilis ang pagres­ponde sa krimen, emer­gency at iba pa.

Ito ang inihayag ka­ha­pon ni NCRPO Chief  Di­rector Roberto Ro­sales.

Ayon kay Rosales ang pagpapakalat ng mga mobile cars na may GPS ay naglalayong ma­palakas pa ang anti-criminality at anti-ter­rorism campaign partiku­lar na sa mga crime prone areas  na nasasa­ku­­pan ng National Ca­pital Region (NCR).

Una nang nagpakalat ng mga closed circuit te­le­vision (CCTV) ca­mera sa iba’t ibang dako ng Metro Manila ang NCRPO.

Idinagdag pa ng opis­yal na malaki ang maitu­tulong ng mga GPS upang mapababa ang crime rate sa NCR ga­yun­din upang mamonitor kung ginagamit ng mga pulis ng tama sa kanilang mga trabaho at hindi sa kanilang mga personal na lakad ang mga mobile patrol cars.

Nabatid sa opisyal na ang GPS na ikakabit sa mga mobile cars ay nag­kakahalaga ng mula P15,000 hanggang P26,000 depende sa klase ng software na ika­kabit sa sasakyan ng mga pulis.

Sinabi ng opisyal na positibo ang pagpapa­kalat ng CCTV camera at tiwala ang NCRPO na sa pamamagitan ng mga ito ay higit pang mapapabilis ang pagpuksa sa mga elementong kriminal at iba pang mga nais mag­hasik ng kaguluhan. (Joy Cantos)

AYON

GLOBAL POSITIONING SYS

IDINAGDAG

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CA

ROBERTO RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with