Mobile clinic pinasinayaan
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang inagurasyon sa unang mobile health center ng Quezon City at ang bagong police station building sa Fairview.
May halagang P6 milyon ang inilaan ng pamahalaang lokal ng QC para magkaroon ng mobile clinic na lumilibot sa iba’t ibang lugar sa lunsod para sa nangangailangang serbisyong medical ng mga residente rito.
Meron itong laboratory at dental facilities gayundin ang examination room na pinangangasiwaan ng mga doctor, dentista at health workers mula sa city health department.
Unang iikutin nito ang Cubao sa Marso 24 kasabay ng voluntary counseling at testing program na isasagawa ng health department sa mga residente doon hinggil sa kung paano maiiwasan ang nakamamatay na sakit na sexually transmitted diseases.
Kasama ni SB sina Vice Mayor Herbert Bautista at city health department head Dr. Antonieta Inumerable sa naturang inagurasyon sa QC Hall grounds. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending