^

Metro

9 sugatan sa karambolang 4 na bus

-

MANILA, Philippines - Sugatan ang siyam na pa­sahero makaraang mis­tulang mag-domino ang apat na pampasaherong bus nang magbanggaan ang mga ito sa EDSA, Makati City ka­hapon ng umaga.

Isinugod sa Ospital ng Makati ang mga pasahero na inaalam pa ang mga pagka­kakilanlan.

Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Autho­rity-Metro Base, naganap ang aksidente dakong alas-7:30 ng umaga sa kanto ng EDSA at Arnaiz Avenue sa naturang lungsod.

Isang Saint Rose bus na patungong Pacita, Laguna ang biglang huminto upang magsakay ng pasahero. 

Sa biglang paghinto nito, hindi naman nakapagpreno agad ang sumusunod na bus na isa ring Saint Rose unit sanhi upang mabangga ang likuran ng unang behikulo.

Ganito rin ang nangyari nang bumangga rin ang mga sumusunod na bus ng Joy­selle Bus Line na nabangga rin ng nasa likod na bus ng Cher Transport.       

Hawak naman ng mga otoridad ang mga driver at konduktor ng naturang mga bus upang mapanagot sa insi­dente kung saan maha­harap ang mga ito sa kasong reck­less imprudence re­ sulting to physical injuries. 

Inaalam rin ng mga im­bestigador kung nagkakare­ra­han ang mga ito sa pagkuha ng mga pa­sahero.

Lumikha naman ang natu­rang insidente ng napaka­tinding pagsisikip sa daloy ng trapiko buhat Scourt Borro­meo sa Quezon City hang­gang Ayala Avenue sa Makati. (Danilo Garcia)

ARNAIZ AVENUE

AYALA AVENUE

BUS

BUS LINE

CHER TRANSPORT

DANILO GARCIA

ISANG SAINT ROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with