^

Metro

Pondo sa graduation ninakaw

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na student treasurer ang inirek­lamo matapos mabigong maipakita ang P400,000 na hawak niyang koleksiyon para sa graduation ng mga estudyante ng Bachelor of Science in Education ng Philippine Normal University sa Ermita, Maynila.

Sinasabi sa ulat ka­hapon ng pulisya na ini­reklamo ng qualified theft ang suspek na si Jason Dalde, binata, residente ng 18 Cadena De Amor, EVG, Marikina City dahil sa rek­lamo ng mga opisyal ng Senior Committee ng PNU.

Sa ulat ni C/Insp Ed­gardo Carpio. hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, ina­ku­sahan ang suspek na siya umano ang posibleng ku­ muha ng nawawalang P400,000 na naganap sa pa­gitan ng Pebrero 20 hang­­gang Pebrero 23 sa loob ng BPS Bldg. sa Ground Floor ng PNU sa Ayala St., corner­ Taft Ave., Manila.

Nabatid na bumuo ng committee ang mga graduating student upang maka­likom ng pondo para gas­tusin umano sa toga, yearbook, graduation ball at iba pang gastusin na umabot ang koleksiyon sa na­sabing halaga.

Noong Pebrero 26, nag­report umano ang suspek sa pulisya hinggil sa na­kawan umano sa tangga­pan na nakasama ang pondong nabanggit subalit walang nakitang palatan­daan ng forcible entry ang mga tauhan ng MPD-Theft and Robbery Section.

Ibinutas sa suspek ang hindi rin umano nito pag­bibigay ng resibo sa mga nakolektahang estudyante at pag-iwas umano sa mga pagpupulong ng mga ito kung ang pag-uusapan umano ay ang pondo.

Dahil dito, posibleng makalaboso ang nasabing graduating student.

AYALA ST.

BACHELOR OF SCIENCE

CADENA DE AMOR

GROUND FLOOR

INSP ED

JASON DALDE

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

MARIKINA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with