Messenger todas sa 5 holdaper
MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na messenger ng limang umano’y armadong holdaper nang tumangging ibigay ang mga mahahalagang gamit nito, sa isang madilim na bahagi ng Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na nakilalang si Edgar Amolejar, 30, ng Camba Extension St., Tondo ay binawian ng buhay dahil sa dami ng tinamong saksak sa katawan mula sa limang lalaking suspek na hindi nakilala.
Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw nang harangin ang biktima ng mga suspek sa panulukan ng Ilaya at Padre Herrera Sts.
Nabatid na ang papauwing biktima ay pinalibutan ng limang suspek at nagdeklara ng holdap. Nang ayaw ibigay ng biktima ang dala-dalang gamit ay sinaksak ito ng isa sa suspek at nang bumulagta ay mabilis na tinangay ng mga suspekø ang cellphone nito, suot na silver necklace at wallet. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending